Sinong may HIV?...VIRUS yan diba.. Nakakahawa!! Wag tayong makipagusap dyan. Mamatay na yan.. Marumi kasing tao yan.. Bakla yan..
Isa lang ako marahil sa napakaraming pilipino walang masyadong alam tungkol sa HIV(Human immunodeficiency virus) pero labis kung makapanghusga. Masisisi ba natin kung hindi sapat ang kaalaman ng lahat tungkol sa kondisyon na to. Ang tanging alaala ko lang ay si Sarah Jane, isang sex worker na ngayon ay patay na...at yan din ang sasapitin ng lahat ng may Virus na eto. Mali. Yan ang natutunan ko katatapos lang na forum na pinamunuan ng PLCD(Philippine Legislators' Committee on Population and Development) at UNAIDS.
Tao rin po sila na namumuhay na tulad natin. Nagaaral, Naghahanap buhay, Nagbabayad ng buwis...ang kaiba lang siguro ay Kailangan lang nila ng proper medication para di marating ang AIDS stage(<--- eto yung nakakamatay kapag hindi nagamot agad). Hindi lahat ng may HIV ay may AIDS. magkaiba po iyon.
Hindi lahat ng may HIV ay nagkaroon ng pakikipagtalik sa ibat ibang tao. Mahirap man tanggapin pero may mga tao na nagkaroon nito dahil pakikipatalik sa kanyang asawa or dahil sa dugong naipasa sa kanya... Pero dahil nakapaloob tayo sa konsepto na marumi ang lahat ng may HIV pati sila ay nahuhusgahan.
Huwag nating iugnay ang HIV sa mga Bakla. Eto po ay issue na pangkalahatan. May naiulat nga na lumalaganap ang Virus na eto sa Call Center.. ( ah kasi iba kultura dyan..blah blah..blah) ..Sila kasi ang sector na may lakas ng loob ba magpatest kaya nila nalaman.
Panahon na para ibukas ang ating isipan sa katotohanang ang Virus na eto ay patuloy na dumadami sa Pilipinas. Isulong natin ang pagpapalaganap ng kaalaman sa kondisyong ito. Isang hamon ang iniwan sa amin at iniiwan ko rin sa inyo.
Are You Ready to take the Test? Handa ka ba?
Hindi eto issue kung high risk kayo.. ( gets nyo?) Ito ay isang makataong paraan upang maiwasan pang makahawa ng iba.
0 comments:
Post a Comment