BOSES is now going mainstream on July 31 at SM Cinemas Nationwide

Ariel and Onyok: Scene from Boses

        Ang bawat isa sa atin marahil ay may kanya kanyang kweto kung paano tayo pinalo noong tayo'y bata pa. Naaalala ko pa kung paano ko lagyan ng karton ang pwetan ko para mabawasan ang sakit.  Nakakatuwang balikan ang mga nakaraan ngunit may mga kuwentong hindi ko na kayang tawanan. Katulad marahil ng mga kwento ng mga batang labis na naabuso may mga pangyayari sa aming buhay ang hinayaan na lang at naging peklat na lang hanggang sa aming paglaki ay patuloy na nagpapaala sa sakit na nararamdaman sa maling pagamit ng lakas. Lumaki kami ng may pagdadamdam sa aming amain..kami ng aking kapatid. Kung sa akin lang ginamit ko ang galit na ito upang magkapakabuti at umangat sa buhay upang balang araw ay hindi na kami umasa sa kanya... at syang naganap. Pero hindi sa aking kapatid namuhay sya ng puno ng galit at puot. Napakahirap marahil ng ganoong buhay. Hindi sya makawala sa nakaraan at unti unti kong nakita na naging katulad na sya ng taong kanyang kinamumuhian. Nakakalungkot ang ganitong mga pangyayari paano pa sa mga batang di hamak na mas malala ang sinapit kaysa sa amin kaya naman hindi ko napigilan ng ang aking luha ng aking napanood ang pelikulang BOSES.

       Ang kwento ng BOSES ay umikot sa buhay ng batang si Onyok ( Julian Duque) na nailigtas sa mapangabuso nyang ama (Ricky Davao). Pinadala sya sa Shelter na pinamumunuan ni Amanda ( Cherry Pie Picache) na nagbigay daan upang makilala nya ang kapatid nito na si Ariel (Coke Bolipata )  na noon ay punong puno ng padadalang-sisi . Kapwa si Onyok at si Ariel ay hinilom ng musika. Ang bawat tauhan ay buong husay nagampanan kaya lubos ang aking paghanga sa bumuo ng pelikulang eto sa pamumuno ni derektor Ellen Ongkeko-Marfil.


BOSES OPENS JULY 31




Mapalad tayo sapagkat magkakaroon tayo ng pagkakataon na mapanood ang obra na ito sa mga piling sinehan ng SM. Magsisimula eto sa July 31. Paglaan po natin mapanood ang pelikulang katulad ng BOSES. Pelikulang may puso at may mensahe.


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment