Usapang Pera Muna

             Kung pagtitipid lang din naman ang paguusapan, hindi ako magpapahuli dyan. Buong buhay ko na atang hinihigpitan ang aking sinturon. May panaka nakang pagastos pero tiyak na pinagisipan tulad ng braces, travel, hospital bills, pautang sa mga kamaganak, paaral sa mga kapatid, Kasal etc. dahil nauunawaan kong may mga bagay na higit pa ang halaga kaysa sa salapi at hindi ko kaylanman pinagsisihan ang kahit isang barya na nilaan ko para sa mga ito. Sa larangan ng pananalapi, sa aking palagay ay mahusay ko namang napamahalaan ito maliban na lang minsan ay lumalabis ang katipiran. Sa taong ito ay mamarkahan ko ang ika-10 taon ko ng pagiging empleyado. Oo, Sampung taon na kong kumakayod para mga pangangailangan ko at ng aking pamilya. Paulit ulit, gigising sa umaga, magttrabaho, uuwi. Magiintay ng sahod, ibabudget, tapos magiintay ulit.  Sa wikang Ingles ito ay tinatawag na "Rat Race".  Nakakapagod ang sistemang ganito ngunit dahil ito lang ang alam kong paraan upang matugunan ang mga pangaraw araw na gastusin pinipilit kong mahalin ang ganitong buhay. Nakalimutan ko na mayroon pala akong kakayahang magdisisyon para sa aking sarili at kakayanin kong lumabas sa sistemang ito kung nanaisin ko. Kalayaan pinansyal na hinahangad ng karamihan. Ang buhay na ganap at higit na kaaya aya. Makakalaya rin ako.

Naalala ko nung nasa kolehiyo pa ako pinangarap ko na maging isang empleyado sa isang malaking gusali sa Makati. "Balang araw magtatrabaho din ako dyan" sabay turo sa building. Pero ang sabi ng Tiya ko, "Huwag mong pangarapin ang maging empleyado, magnegosyo ka". Sa unang pagkakataon namulat ako sa ideya na higit na mas lamang ka kung ikaw ang boss kaysa ikaw ang empleyado ngunit dahil wala rin namang magagabay sa akin sa kung paano magsimula pinili ko pa rin ang maging isang Makati Girl. Nakapasok ako sa isang malaking kompanya sa Makati. Sa isang Bangko, hindi rin naging madali ang buhay ko doon pero nagsikap ako at nakaranas din ng malaking pagbabago sa loob ng limang taon. Sinubukan ko ding maging call center agent. Madali lang kasi makapasok. Isang araw lang ata ay pwede ka na nilang i-hire. Dito panibagong mundo ang hinarap ko. Grave yard shift. Canada Account. EOP. Imumulat ka nito sa kakaibang kultura. May mabuti at masama. Bagamat malaki ang sweldo ko sinubukan kong kumawala sa paghahanap buhay ng gabi  dahil na rin sa hindi magandang epekto sa kalusugan ko. Dalawang taon ko rin natiis ang stress sa ganitong uri ng hanapbuhay.  Nagbakasyon ako ng isang buwan at sa tila pinagaadya na rin ng pagkakataon ang posisyon na nais ko ay kinakailangan pa rin akong pumasok sa gabi. Ngayon kakadiwang ko lang ng aking ikatlong taon sa kasalukuyang ko trabaho. Dalawang awards, Promotion, Mahusay na pamamalakad, Mabubuting boss at officemates. Wala ka ng hahanapin pa. Napa kaideal kung tutuusin. Comfort Zone nga kung tawagin. Pero hanggang dito na lang ba ako???

Alam ko na may mas malawak pa na mundo na naghihintay sa akin sa labas ng apat na sulok ng opisina . Hindi nga lang kasing ginhawa ng mayroon ako ngayon pero higit itong may kabuluhan at mas malaki ang pagkakataon kung lumago at matupad ang pangarap ko na di ko kaylanman naabot sa loob ng 10 taon kung paghahanap buhay.

Sinulat ko ito ko to ngayon bilang HAMON para sa aking sarili sa lahat ng mga katulad ko na nakulong sa sistema ng 15/30. ang 2015 ay dinediklara ko na taon ng aking paglaya sa larangan ng pinanalapi. Kalayaan mula labis na pagtitipid. Kalayaan mula sa takot na mawalan ng hanapbuhay. Kalayaan mula sa takot na mawalang ng pera sa bulsa. Kalayaan sa takot na walang maitulong sa pamilya. Kalayaan sa takot na mawala ang so-called SECURITY na pinanghahawakan ng isang empleyado. 





  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment