5D/4N Hongkong-Macau Tour:Day3
june 22-26
Monday is Disneyland Day!
No, No, ang pumunta ng weekends sa mga Theme Park kung ayaw mong maimbyerna sa haba ng pila.
Okay Fine.. Comfess ko na. May change of plan dahil sa kagustuhan nilang bumili ng cellphone sa HK ay nagtipid kami. $400 din yun noh times 5.66 (nagkwenta na naman..hahhaha) Y not? Kaya naman ng puso namin na di pumunta dahil ayon sa mga reviews ay pangbata nga daw.. at ayon we decided pag nagka anak na lang kami pumunta.
Pero sayang naman ang araw..
Ayon meron naman palang ibang pwedeng puntahan.. taddaaaa... Insperation Lake.
15 minute walk lang from Disneyland. actually part pa sya ng Hacienda ni Mickey Mouse.
Ayan go. go. go na
Isang Maulan na Morning! pero nothing can stop us.
Bigo ang Space Museum dahil may nauna na sa amin at limited lang ang capacity so dumeretso na kami sa clock na ala Big Ben para mag photoshoot. Dahil sawa na kami sa pacute na ngiti .. Fierce Fierce din pag may time. Paki ba nila di naman nila kami kilala.hehe
Nag train kami papuntang Disney ..ang cute ng train...at daming kids.
Nagpakasawa kami sa labas.. gala gala sa gitna ng sikat ng araw.. (eto na naman ang di maware na panahon)
unlimited picture talaga ang Feel na Feel namin ang place kahit sa labas lang kami dahil sa mga disneysongs.
5D/4N HONGKONG-MACAU EXPERIENCE: day3
5D/4N HONGKONG-MACAU EXPERIENCE: day2
5D/4N Hongkong-Macau Tour:Day2
june 22-26
Good Morning Sunday! Dress day for us.
2nd Day Itenerary would be The Peak pero daanan daw muna namin ninang ni Thet sa may Nan Lian Garden.
For Breakfast binawasan na namin ang mga baon naming nooddles. Yap.. May baon kami. we just forgot the coffee. bummer.
We took the Train to Diamond Hill. May moment na nakatayo lang kami sa harap nung station guide at feeling lost. Thanks to my sim na binili sa local store worth $38 nakakacall a friend na kami. (fyi mas mura ang call kaysa text)That's a reflief sa feeling lost mode.
Ok na ok ang MTR train system nila. malayong malayo sa MRT natin. enclosed ng glass. iwas suicide ba. madaming signage pero nakkaigno pa rin sa simula pero nagamay din namin agad... at ang mga escalator ang bilis kaya hawak hawak din pag may time. Na appreciate ko yung pag give way ng mga tao sa mga nagmamadali kaya lagi silang gumigilid sa kanan to give way. Convinient way of Transpo talaga.
Umaambon ambon lagi sa umaga kaya ready lagi ang payong buti tumila din...at umiinit naman..tapos uulan ulit...grr..anubeh!
Must see talaga ang Nan Lian Garden.. bukod sa Libre..Napakaganda talaga.. kaya lang 1/4 lang nalibot namin. dahil need na naming umexit.
Sa tapat ng Diamond Hill station ay may excalator dumaan kami don papunta sa isang mall at yung food court don ay may tindang asian cuisine. Sa wakas nakakain din ng maayos.. ay di rin pala..chopstick eh..san na ba kasi ang kutsara't tinidor. hmm namimiss ko na sila.Forgot to mention Libre pala ang meal na to care of Ninang jocel.
Dahil busog na kami napasubo kami sa walkathon..lakaran blues talaga. di nasayang ang dress day. Nalibang namin kami sa mga park na nadaanan namin. At tour guide ang role ng ninang jocel ni thet with best friend nya..at todo na namin ang moment para magka group shots, jump shots, basta shot lng ng shot.
So nice naman talaga ang mga friendship ko at pinagbigyan nila ko na hanapin ang pink flamingo. Gusto ko talaga makakita non. >.< Kahit napakalayo ng nilakad namin at medyo matarik eh kinaya namin para lang sa wish ko na yon. Kala ko wala ng katapusan yung lakad. Sa wakas narating din namin ang Hongkong Zoological and Botanical Garden. Ang ganda don...buti walang bayad. dumeretso na agad kami sa flamingo dahil kaawa na talaga hagard na ang mga girlfriends.
Medyo na dissapoint ako sa nakita ko kasi...orange pala sila..pero pwede na rin.. walang ganun sa pinas.
mission accomplish na ang pink orange flamingo so go na girls sa the Peak
Sobrang daming tao pala.. ayyayay.. tiis tiis lang. feeling ko isang tren lang eto kaya napakatagal. sa wakas nakasakay din, hay naku unahan ang peg. bawal ang babagal bagal.Super Scary naman ang byahe eh.. parang rides ang peg pero WOW ang view. Sulit ang $28 na pamasahe (<-- Libre) kakahiya man nilebre na nman kami. May souviner pa na ofcourse binigay na namin kay thet.
Pagdating namin sa taas makikita mo ung madam tussand. Mga wax figures ng Sikat na artista. Buti na lang pwede makapagpapicture kay Michael Jackson. >.< pwede na un sa nagtitipid. hehhe
Hindi na kami pumasok sa SKy Terrace kasi may entrance. & Lucky us may exit area na pwedeng pagtambayan at makikita mo rin ang view.Winner diba!!
Pagbalik sinadggest samin na magbus na lang at Ferry para maexperience namin. At good idea dahil na feel namin ang paglibot sa Hongkong. Sa taas kami ng bus umupo. Ang galing ni manong driver magmaneobra ha. kahit pabababa ang daan.
The Ferry Ride is medjo nakakahilo pero ok namn. mga 15 minutes lang kasi.
Day1
5D/4N HONGKONG-MACAU EXPERIENCE: day1
june 22-26
Jackpot kami sa Hotel na napili namin. Highly recommended. Filipina yung tagalinis at winner talaga. Discounted pa ang tickets sa mga park. so PAk na Pak talaga. Napakasarap matulog. Di lang nmin ma found out kung pano papalakihin ang screen nung TV pag nanonood kami movie. pero carrybells na yon.
Zzzzz Sleeping Beauty muna. Lowbat na kasi. mga 11am na kami naka settledown. so ang first day itenirary ay scratch na.. Ngong Ping dapat ..ayon sa Room n lang.. >_<
Around 4pm naglibot kami sa Avenue of Stars at Hongkong Museum of Arts. Sobrang lapit lang sa hotel namin. Ang ganda. Sakto pa may Dragon Boat event. Ang Daming Tao.. Akala ko united nations day... Damang dama mo ang pagiging City of the World... Time Check 7pm.. pero parang 4pm pa lang sa pinas.. hmm ganto pala dito.
Dinner kami sa McDo para safe diba... ang daming tao ah. Ok naman price. Big Mac ang inorder ko mas mura kaysa sa filet-o-fish na burger. Wierd noh? maybe because of the fish. anyways.. ang daming gulay.. Sad lang dahil ang happy meal nila Hello Kitty hindi Minions.
That was our first day.
Day 2: Dress Day






