BOSES is now going mainstream on July 31 at SM Cinemas Nationwide

Ariel and Onyok: Scene from Boses

        Ang bawat isa sa atin marahil ay may kanya kanyang kweto kung paano tayo pinalo noong tayo'y bata pa. Naaalala ko pa kung paano ko lagyan ng karton ang pwetan ko para mabawasan ang sakit.  Nakakatuwang balikan ang mga nakaraan ngunit may mga kuwentong hindi ko na kayang tawanan. Katulad marahil ng mga kwento ng mga batang labis na naabuso may mga pangyayari sa aming buhay ang hinayaan na lang at naging peklat na lang hanggang sa aming paglaki ay patuloy na nagpapaala sa sakit na nararamdaman sa maling pagamit ng lakas. Lumaki kami ng may pagdadamdam sa aming amain..kami ng aking kapatid. Kung sa akin lang ginamit ko ang galit na ito upang magkapakabuti at umangat sa buhay upang balang araw ay hindi na kami umasa sa kanya... at syang naganap. Pero hindi sa aking kapatid namuhay sya ng puno ng galit at puot. Napakahirap marahil ng ganoong buhay. Hindi sya makawala sa nakaraan at unti unti kong nakita na naging katulad na sya ng taong kanyang kinamumuhian. Nakakalungkot ang ganitong mga pangyayari paano pa sa mga batang di hamak na mas malala ang sinapit kaysa sa amin kaya naman hindi ko napigilan ng ang aking luha ng aking napanood ang pelikulang BOSES.

       Ang kwento ng BOSES ay umikot sa buhay ng batang si Onyok ( Julian Duque) na nailigtas sa mapangabuso nyang ama (Ricky Davao). Pinadala sya sa Shelter na pinamumunuan ni Amanda ( Cherry Pie Picache) na nagbigay daan upang makilala nya ang kapatid nito na si Ariel (Coke Bolipata )  na noon ay punong puno ng padadalang-sisi . Kapwa si Onyok at si Ariel ay hinilom ng musika. Ang bawat tauhan ay buong husay nagampanan kaya lubos ang aking paghanga sa bumuo ng pelikulang eto sa pamumuno ni derektor Ellen Ongkeko-Marfil.


BOSES OPENS JULY 31




Mapalad tayo sapagkat magkakaroon tayo ng pagkakataon na mapanood ang obra na ito sa mga piling sinehan ng SM. Magsisimula eto sa July 31. Paglaan po natin mapanood ang pelikulang katulad ng BOSES. Pelikulang may puso at may mensahe.


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

5D/4N HONGKONG-MACAU EXPERIENCE: day3

5D/4N Hongkong-Macau Tour:Day3
june 22-26 


Monday is Disneyland Day! 

No, No, ang pumunta ng weekends sa mga Theme Park kung ayaw mong maimbyerna sa haba ng pila. 

Okay Fine.. Comfess ko na. May change of plan dahil sa kagustuhan nilang bumili ng cellphone sa HK ay nagtipid kami. $400 din yun noh times 5.66 (nagkwenta na naman..hahhaha) Y not? Kaya naman ng puso namin na di pumunta dahil ayon sa mga reviews ay pangbata nga daw.. at  ayon we decided pag nagka anak na lang kami pumunta. 

Pero sayang naman ang araw..

Ayon meron naman palang ibang pwedeng puntahan.. taddaaaa... Insperation Lake.
15 minute walk lang from Disneyland. actually part pa sya ng Hacienda ni Mickey Mouse.

Ayan go. go. go  na

Isang Maulan na Morning! pero nothing can stop us.

Bigo ang Space Museum dahil may nauna na sa amin at limited lang ang capacity so dumeretso na kami sa clock na ala Big Ben para mag photoshoot. Dahil sawa na kami sa pacute na ngiti .. Fierce Fierce din pag may time. Paki ba nila di naman nila kami kilala.hehe

Nag train kami papuntang Disney ..ang cute ng train...at daming kids.

Nagpakasawa kami sa labas.. gala gala sa gitna ng sikat ng araw.. (eto na naman ang di maware na panahon) 

unlimited picture talaga ang Feel na Feel namin ang place kahit sa labas lang kami dahil sa mga disneysongs.




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

5D/4N HONGKONG-MACAU EXPERIENCE: day2

5D/4N Hongkong-Macau Tour:Day2
june 22-26 

Good Morning Sunday! Dress day for us.

2nd Day Itenerary would be The Peak pero daanan daw muna namin ninang ni Thet sa may Nan Lian Garden.

For Breakfast binawasan na namin ang mga baon naming nooddles. Yap.. May baon kami. we just forgot the coffee. bummer. 

We took the Train to Diamond Hill. May moment na nakatayo lang kami sa harap nung station guide at feeling lost. Thanks to my sim na binili sa local store worth $38 nakakacall a friend na kami. (fyi mas mura ang call kaysa text)That's a reflief sa feeling lost mode. 

Ok na ok ang MTR train system nila. malayong malayo sa MRT natin. enclosed ng glass. iwas suicide ba.  madaming signage pero nakkaigno pa rin sa simula pero nagamay din namin agad... at ang mga escalator ang bilis kaya hawak hawak din pag may time. Na appreciate ko yung pag give way ng mga tao sa mga nagmamadali kaya lagi silang gumigilid sa kanan to give way. Convinient way of Transpo talaga.

Umaambon ambon lagi sa umaga kaya ready lagi ang payong buti tumila din...at umiinit naman..tapos uulan ulit...grr..anubeh! 

Must see talaga ang Nan Lian Garden.. bukod sa Libre..Napakaganda talaga.. kaya lang 1/4 lang nalibot namin. dahil need na naming umexit.

Sa tapat ng Diamond Hill station ay may excalator dumaan kami don papunta sa isang mall at yung food court don ay may tindang asian cuisine. Sa wakas nakakain din ng maayos.. ay di rin pala..chopstick eh..san na ba kasi ang kutsara't tinidor. hmm namimiss ko na sila.Forgot to mention Libre pala ang meal na to care of Ninang jocel. 

Dahil busog na kami napasubo kami sa walkathon..lakaran blues talaga. di nasayang ang dress day. Nalibang namin kami sa mga park na nadaanan namin. At tour guide ang role ng ninang jocel ni thet with best friend nya..at todo na namin ang moment para magka group shots, jump shots, basta shot lng ng shot. 

So nice naman talaga ang mga friendship ko at pinagbigyan nila ko na hanapin ang pink flamingo. Gusto ko talaga makakita non. >.<  Kahit napakalayo ng nilakad namin at medyo matarik eh kinaya namin para lang sa wish ko na yon. Kala ko wala ng katapusan yung lakad. Sa wakas narating din namin ang Hongkong Zoological and Botanical Garden. Ang ganda don...buti walang bayad. dumeretso na agad kami sa flamingo dahil kaawa na talaga hagard na ang mga girlfriends. 

Medyo na dissapoint ako sa nakita ko kasi...orange pala sila..pero pwede na rin.. walang ganun sa pinas. 

mission accomplish na ang pink orange flamingo so go na girls sa the Peak

Sobrang daming tao pala.. ayyayay.. tiis tiis lang. feeling ko isang tren lang eto kaya napakatagal. sa wakas nakasakay din, hay naku unahan ang peg. bawal ang babagal bagal.Super Scary naman ang byahe eh.. parang rides ang peg pero WOW ang view. Sulit ang $28 na pamasahe (<-- Libre) kakahiya man nilebre na nman kami. May souviner pa na ofcourse binigay na namin kay thet. 

 Pagdating namin sa taas makikita mo ung madam tussand. Mga wax figures ng Sikat na artista. Buti na lang pwede makapagpapicture kay Michael Jackson. >.< pwede na un sa nagtitipid. hehhe

Hindi na kami pumasok sa SKy Terrace kasi may entrance. & Lucky us may exit area na pwedeng pagtambayan at makikita mo rin ang view.Winner diba!!

Pagbalik sinadggest samin na magbus na lang at Ferry para maexperience namin. At good idea dahil na feel namin ang paglibot sa Hongkong. Sa taas kami ng bus umupo. Ang galing ni manong driver magmaneobra ha. kahit pabababa ang daan. 

The Ferry Ride is medjo nakakahilo pero ok namn. mga 15 minutes lang kasi. 

Day1 

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

5D/4N HONGKONG-MACAU EXPERIENCE: day1

5D/4N Hongkong-Macau Tour: Day1
june 22-26 

Just came back from 5D/4N Hongkong-Macau Tour. wheew.... Ang sakit sa ulo pero masaya..

Tour eto ng apat na girlalu na stable na sa career at their late 20's. Single. and ready to explore. Ako lang first timer dahil last year nagpunta na sila ng Singapore.Sharon(jpmorg),Thet(bpi),Ethel(accenture),and me Sam(pcm).

They are Lots of Happy Moments and few bad ones na pwede naman icharge to experience. Ganun talaga eh. I'ts my first time to go out of the country, blessing lang talaga dahil naayos yung passport ko. Hmm san ko ba sisimulan.. Skip na lang natin yung preparation part..

Since 5am ang departure namin we decided na magsleepover na lang sa apartment sa pasig. Super early ng gising by 3am we're all set na. Yung iba samin ala pang tulog. Taxi na lang kami para convinient. Terminal 3. Tanong tanong na lang kung saan ang byaheng Hongkong. Ang jahe talaga dahil nagrepack pa kami sa airport dahil kailangan namin ilipat lahat ng mga bagay na di pwede i hand carry sa luggage ni Ethel para isa na lang babayaran na check in 16kilos. 

Sa immigration ok naman. need printout of Itenirary ang hotel accom and ticket pabalik para walang prob. Then chill ka muna sa waiting area.

Ok naman ang Flight. as usual wala pa ring libre ang Cebu pacific. After 2 hours HK aiport na kami. 7:15am. Windy ang peg. paglabas namin eh maulan ulan. Sinalubong kami ng mga taga immigration and same docs ipakita mo lang. Medjo nakakalito kc malaki yung airport. Kagutom that moment. kung di lang dahil kay ate na nagsasabing OVer there, Over there eh  nakakain muna kami. dito na nagsimula ang walang humpay na kakapicture namin. 

Kumain kami sa isang Ramen house.. medjo may kamahalan at sosyal pero di naman ako nasarapan at nabusog sa inorder ko. so ekis sakin. di ko lang siguro trip dahil like naman ng mga friendship ko.. 

First impression sa pinagmamalaking airport.. hmm malaki pero nothing unusual naman. 

Bumili kami Octopus card worth HK$150 need daw namin yon for transpo.
Find mu lang exit papunta sa mga bus.

In our Case kailangan namin pumunta sa Tsim sha tsui station, I think pang 13th bus stop yon. pagsakay mo pa lang iswipe mo na ung Octopus card. Dahil inuna ko muna isecure yung luggage ko di ko na swipe.. pero inaaproach ko na lang si manong driver...wala kong balak mag 123 noh. Habang nasa bus. Tingin tingin muna ang mga inday. mahaba ang byahe parang 1 hour ata. Ang cool kasi sa bus pa lang may voice over na ng mga nakikita mo. Yung iba chinese nga lang pero amazing pa rin diba... and theres more WIFI.yepee!! Tapos may screen sa unahan kung anong bus station na at kung anong attraction ang makikita mo don. Pano nga ba papara... Nagsisimula na kami maigno.. pero masaya diba. May nakita kami na stop button sa taas ng upuan pero feeling ko wala naman gumagamit nun. Basta pag malapit na ang station mo ready ka na lang or tapat ka na sa pinto para alam ni manong driver..ayon nasurvive naman namin ang first Bus ride.

So ano na... San na ba tayo.. Golden Crown Hotel pano ba tayo pumunta don.. Based sa Address sa Right side kami maghahanap pero ayon napunta kami sa Avenue of Stars..hmm dead end na to.. sa kabilang side pala dapat.. baliktad pala magbilang dito. haist. abala hehehe ..arte.

Jackpot kami sa Hotel na napili namin. Highly recommended. Filipina yung tagalinis at winner talaga. Discounted pa ang tickets sa mga park. so PAk na Pak talaga. Napakasarap matulog. Di lang nmin ma found out kung pano papalakihin ang screen nung TV pag nanonood kami movie. pero carrybells na yon.

Zzzzz Sleeping Beauty muna. Lowbat na kasi. mga 11am na kami naka settledown. so ang first day itenirary ay scratch na.. Ngong Ping dapat ..ayon sa Room n lang.. >_< 

Around 4pm naglibot kami sa Avenue of Stars at Hongkong Museum of Arts. Sobrang lapit lang sa hotel namin. Ang ganda. Sakto pa may Dragon Boat event. Ang Daming Tao.. Akala ko united nations day... Damang dama mo ang pagiging City of the World... Time Check 7pm.. pero parang 4pm pa lang sa pinas.. hmm ganto pala dito.

Dinner kami sa McDo para safe diba... ang daming tao ah. Ok naman price. Big Mac ang inorder ko mas mura kaysa sa filet-o-fish na burger. Wierd noh? maybe because of the fish. anyways.. ang daming gulay.. Sad lang dahil ang happy meal nila Hello Kitty hindi Minions. 

That was our first day.



--oOo--

Day 2: Dress Day

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS